Kung ikaw ay nakatira sa New Zealand na may hawak ng Resident Visa, baka oras na para magapply ka ng iyong Permanent Resident Visa o PRV. Ang pinakaunang pakinabang nito ay wala ng limitasyon o entry travel condition ang visa mo sa New Zealand. Ibig sabihin nito, maaari kang magbiyahe nang malaya papasok at labas ng New Zealand na hindi ka nagaalala tungkol sa pag-expire ng iyong ‘travel conditions’.
Para maging eligible sa PRV, kailangan mong tandan ang tatlong requirements:
Para masatisfy ang commitment mo sa New Zealand, titingnan at bibilangin kung gano ka na katagal tumira sa New Zealand. Sa dalwang taon na hawak mo ang iyong Resident Visa, Kailangan ay naka atleast 184 days ka kada taon.
Halimbawa: Kung na approve resident visa mo ng January 2020, pwede ka na magapply ng PRV after two years. Para masatisfy ang commitment sa New Zealand, kailangan mong nasa New Zealand ng 184 days sa taon 2020 at 184 days din sa taon ng 2021.
Kamakailang lang ay inilipat na ang application ng PRV mula paperbased to online application. Maari kami, sa Queen City Law, na magsubmit ng inyong application on your behalf para sa mabilis at maasahang proseso.
Maaari rin kaming tumulong sa mga cases kung saan ikaw ay naipit sa labas ng bansa nang expired ang travel conditions mo, o kung kailangan mo ng Character Waiver (sa mga cases kung ikaw ay may crime conviction o conviction sa paglabag sa batas sa pagdadrive).
Para sa karagdagang impormasyon at makita ang iyong eligibility, makipagugnayan lang sa aming email: law@qcl.co.nz
Disclaimer:
We have taken care to ensure that the information given is accurate, however it is intended for general guidance only and it should not be relied upon in individual cases. Professional advice should always be sought before any decision or action is taken.